
"seminaryo minor immaculada concepcion tahanan ng kabataang may dakilang nilalayon, butil ng pananalig dito yumayabong. ang pag-asa at pagmamahal, namumunga't nag-uusbong.
kabataa'y minimulat sa buhay ng kabanalan. paglilingkod sa lumikha, kapwa tao't daigdigan. hinuhubog sa matuwid yaong puso at isipan. sa dalangin at paggawa, si kristo'y sinusundan.
ang mahal na birhen ay siyang gabay sa landasin. larawan ng pagkalinga at malinis na damdamin at payak na pamumuhay na marapat namang sundin. upang itong sintang lupa at simbaha'y pagpalain."
No comments:
Post a Comment