nilikha niya ang langit at lupa, ang araw na nagbibigay ng liwanag sa umaga at ang buwan naman sa gabing madilim at lahat ng mga bituin na kumukutikutitap. mga isda sa karagatan at mga alagang hayop at mga ibon sa himpapawid. higit sa lahat ay nilikha niya si Adan at si Eba, ang ating unang mga magulang.
di ba! ang bait ng Diyos...
subalit, nagkasala si Adan at si Eba, sinuway nila ang utos ng Diyos, kinain nila ang kaisa-isang prutas na ipinagbabawal kainin ng Diyos, hindi nila pinakinggan ang Diyos. umiral kina Adan at Eba ang pagka-makasarili, na iniisip lamang ang kanilang sarili. ang ating unang magulang ay tumiwalag sa grasya ng Diyos. subalit nanatiling tapat ang Diyos, hinayaan niyang mabuhay ang mga tao at hindi sinira ang kalikasan, patuloy na hinayaan ng Diyos ang mga tao ng may kalayaan.
di ba! ang bait ng Diyos...
naalala ko tuloy si moises noong panahon sa ehipto. pinalaya ng Diyos ang mga tao sa mga kamay ng mga mapang-aliping ehipto. inutusan niya si moises upang pamunuan ang paglalakbay patungo sa masaganang lupain. binigyan si moises ng 10 utos upang gumabay sa kanilang paglalakbay. hindi na maghihirap ang mga tao sa pang-aalipin (magbungkal ng lupa, magbuhat ng mabibigat na bato, hagupit ng mga latigo ng mga bantay, gutom sa kanilang tiyan, pagka-uhaw...) lumaya sila sa mga kahirapan ng buhay at naglakbay patungo sa masaganang lupain.
di ba! ang bait ng Diyos...
Ngunit habang naglalakbay, naging marupok ang mga tao. sa haba ng panahon nawalan ng pag-asa ang mga tao. akala nila ay hindi totoo ang mga pangako ng Diyos. kaya gumawa sila ng gintong baka na kanilang sinamba. sinamba nila ang mata na hindi naman nakakikita, ang ilong na hindi humihinga, ang kamay na hindi naman gumagalaw, ang bibig na hindi naman bumubuka. nag rebelde sila sa Diyos, humanap sila ng ibang diyos. Bagamat sumuway ang mga tao, patuloy na minahal ng Diyos ang mga tao. sa katunayan, nagpadala ang Diyos ng mga propeta upang ipaalala na mahal ng Diyos ang mga tao. binigyan sila ng pagkaing nagmumula sa langit.
di ba! ang bait ng Diyos...
Subalit hindi nila pinakinggan ang mga propetang pinadala ng Diyos. ang iba nga sa kanila ay pinatay pa. patuloy na nagpasasa sa kasalanan ang mga tao. nabuhay na parang wala ang Diyos. ang kanilang kaisipan ay puno ng galit at pagkamuhi. hindi nila inalintana ang lahat ng kabutihan na ginawa ng Diyos sa kanila. marahil maiksi ang memorya ng mga tao, nakakalimutan nila ang kabaitan at kabutihan ng Diyos. hindi nagtanim ng galit ang Diyos datapwat gumawa ang Diyos ng mga paraan upang hanguin tayo sa kasalalan.
di ba! ang bait ng Diyos...
sa kagustuhan ng Diyos na maibalik ang naputol na pagkakaibigan sa mga tao, pinadala niya ang kanyang bugtong na anak na si Hesus upang tubusin tayo sa kasalanan. nabuhay si Hesus kasama natin, ang ibig sabihin ay kasama natin ang Diyos, nagpagaling ng mga maysakit, bumuhay ng patay, ipinangaral ang mabuting balita, ang mga bulag ay nakakita, ang mga pilay ay nakalakad, ang mga bingi ay nakarinig. nakipamayan siya sa atin. ngunit umiral parin ang pagkamakasalanan ng mga tao. pinagdudahan ang kapangyarihan ng Diyos, iniwan ng mga nahirang na alagad, itinakwik pa ng isa sapamamagitan ng halik, ipinako sa krus... ngunit mabait talaga ang Diyos, kahit siya ay nilapastangan, binanggit niya na "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa".
DI BA! ANG BAIT NG DIYOS...
by arnold paras parungao
2009 easter sunday
Sunday, April 12, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)